HONTIVEROS: PANTAWID-TRABAHO PARA SA MGA KABATAAN, DAPAT PALAKASIN
Hinikayat ni Senador Risa Hontiveros ang National Economic Development Authority (NEDA) na dagdagan ang pondo para sa youth apprenticeship program upang makatulong na maibalik ang kabataan sa eskwelahan at trabaho sa gitna ng limitadong oportunidad dahil sa economic recession.
"Maraming mga kabataang edad 15 hanggang 24 ang walang trabaho o hindi pumapasok sa eskwela. Mula 39,000 lang noong July 2020 ay umakyat ito sa 925,000 nitong July 2021. Inaasahang dadami pa ito. Kailangan ng pantawid-tulong habang wala pa silang nakikitang permanenteng trabaho," ani Hontiveros.
"Dapat mag-invest sa mga programa gaya ng jobstart program para magbigay ng tulong at pantawid trabaho para sa mga kabataang matatapos ng K-12 pero mahihirapang makahanap ng trabaho," she said during the budget deliberations of NEDA.
Ang Jobstart program, sa ugnayan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Asian Development Bank (ADB), ay nagbibigay ng suportang pinansyal para sa mga kumpanyang magsasanay ng mga underprivileged youth para magkaroon ng mga partikular na skill set na makatutulong din sa kumpanya o industriya. Pinaiikli din nito ang transition mula sa pag-aaral patungo sa trabaho.
"Pantawid ito mula eskwela papuntang trabaho. May assured na six months na sweldo habang nasa 'training' ka sa potential employer mo. Kailangan ng mas malaking suporta mula sa gobyerno para mapalawak pa ang programang ito at ma-accommodate ang mas maraming kabataan na nangangailangan," sabi ni Hontiveros.
Iminungkahi rin ni Hontiveros na samantalahin ang pag-unlad ng information technology-business process outsourcing (IT-BPO) at ang kasanayan ng mga kabataan sa paggamit ng makabagong teknolohiya para magbukas ng mas maraming oportunidad.
"Magandang mag-invest sa IT-BPO industry kung saan pwedeng pumasok bilang apprentice ang mga kabataang makakatapos ng K-12. Isa ang industriyang ito na lalong lumakas nitong pandemic, at swak din sa competencies ng mga kabataan na karamihan ay digital natives na rin," ani Hontiveros.
Sinabi pa ni Hontiveros na dapat makipagtulungan ang NEDA sa Finance Department at DOLE para muling ayusin at pabilisin ang pagpapatupad at mga tuntunin ng Jobstart program.
Ito ay upang paikliin ang school-work transition at upang maging learning place din ang mga lugar ng trabaho. Ayon sa kanya, posibleng maibalik nito ang mga nakababatang Pilipino sa paaralan at trabaho.
"Involuntary unemployment or forced idleness is an unconscionable waste of human capabilities. Hindi ito ordinaryong panahon. Kailangan natin ng konkretong plano na magbabalik sa ating kabataan sa edukasyon, trabaho at productivity,” pagtatapos niya.
Comments
Post a Comment