OFFICE OF THE VICE PRESIDENT PATULOY ANG PAMIMIGAY NG FOOD BAGS PARA SA 1,000 PANG PAMILYANG NALUBOG SA BAHA

Sa patuloy na pagtulong ng Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang nalubog sa baha dulot ng Typhoon #CarinaPH, nabahaginan ng Food Bags (FBs) ang 1,000 pang pamilya sa Quezon City kahapon, July 30. 
 
Sa pagtutulungan ng mga tauhan ng OVP-Disaster Operations Center at miyembro ng Rotary Club of Murphy Cubao, partikular na nabahaginan ng FBs ang Barangay Tatalon na may 500 pamilya at Barangay Silangan na may 500 rin na pamilya.
 
Ang bawat FBs ay naglalaman ng 3 kilong bigas at canned goods.(OVP)

Comments