OFW REGISTRY BILL INIHAIN SA KAMARA NI KABAYAN Partylist RON P SALO

UPANG mas lalong maprotektahan ang hanay ng overseas Filipino workers (OWF), inihain ni KABAYAN partylist Rep. Ron Salo ang panukalang batas na nagsusulong sa mas pinalawig at komprehensibong support program para sa mga Pinoy na nais magtrabaho sa ibayong dagat.

Sa ilalim ng House Bill 10821 (OFWs Registry Act), target ni Salo isaayos ang komplikadong proseso sa overseas employment.

Kalakip din aniya ng HB 10821 ang mga probisyon para sa mas mabilis na pagsasampa ng kaso laban sa mga illegal recruiters.

“The OFW Registry Bill is a proactive step to safeguard the welfare of our OFWs by ensuring that only those who are competent, prepared, and fully aware of the challenges they may face are deployed for overseas work,” wika ni Salo na tumatayong vice-chairman ng House Committee on Government Reorganization.

Isinusulong din ng HB 10821 ang pagpapaskil ng lahat ng lehitimong job orders, bigyan ng katiyakan ang mga OFW na ang legal ang trabahong alok bilang proteksyon laban sa mga illegal recruiters.

“By requiring recruitment agencies to post all valid job orders in the OFW Registry, we are providing our workers with a reliable source of information, reducing the risks of exploitation, and ensuring that they are making informed decisions about their employment abroad,” ani Salo.

Isa pa aniyang mahalagang probisyon ng panukala ang pagtukoy bilang isang uri ng illegal recruitment ang anumang recruitment activities na hindi saklaw ng OFW Registry, o mga exempted ng Department of Migrant Workers (DMW).

“This ensures that all recruitment practices are conducted within a regulated framework, further safeguarding OFWs from unscrupulous activities,” paliwanag ng partylist solon.

Napapanahon na rin aniyang tuldukan ang pagpapadala ng OFW na hindi kuwalipikado o walang sapat na kakayahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng centralized OFW Registry.

Sa ilalim ng OFW Registry, tanging mga “registered and assessed for readiness” at “individuals who meet the necessary standards” ang pahihintulutan makapagtrabaho sa labas ng bansa.

“The days of deploying unprepared OFWs are over. This bill ensures that our recruitment agencies can focus on individuals who have been properly vetted and prepared, thereby reducing the risk of employment-related issues abroad.”

“We need to empower our OFWs and provide them with the best possible preparation and protection as they pursue opportunities abroad. This bill is a testament to our dedication to their welfare and our commitment to ending illegal recruitment once and for all,” pangwakas ng mambabatas.(PR/via Mike Navarro)

Comments